Tuesday, September 28, 2010

KUNG AYAW NIYO NG STORYBOARD, SI MOLEY SISIHIN NIYO. SIYA MAY PAKANA KUNG BAKIT KO ILALABAS ANG AKING AMATEUR FANFIC
***************************************************

PAALALA: ANG LAHAT NG NANGYARI SA ISTORYANG ITO AY WALANG BASEHAN SA TUNAY NA BUHAY. AT KUNG MAY MAKITA KAYONG KAPAREHO NG AKING PLOT-LINE, COINCIDENCE LAMANG IYON

MULING TANDAAN: SI MOLEY ANG SISISIHIN NIYO, HUH??? HUWAG AKO


BEWARE, PG-13
******************************************************
PROLOGUE:

"This is insane, MM. Tell me to stop. Fight me."

Ngunit hindi napukaw ng mga salita ang pag-iisip ng dalaga. Lalo pa nitong dinikit ang nag-aalab nitong katawan kay Jaime.

"Baby, stop me. I can't hold back much longer," muling pagsusumamo ng binata.

Ngunit, tila hangin lamang ang dumaan, at walang narinig ang binata kundi ang mga ungol n pinawawalan ng dalaga.

Sapat na ito upang mawala sa katinuan si Jaime.

He again started to lick MM's soft skin between kisses, and murmuring at how sweet she smelled; like lemons and roses.

At ilang sandali pa... ang dalawang nag-aalab na katawan ay naging isa, at tinamasa ang tamis ng kasukdulan.

*********************************************************


CHAPTER 1

Ramdam ni Jaime ang isang malambot na bagay sa nakayakap sa kanya. Kahit hindi niya alam kung ano ito, he pulled the thing closer. Close enough to smell the addicting fragrance the thing is emitting.

He started sniffing thing the object, which smelled like roses and lemons. Out of curiosity, he opened his eyes. And there he found the last thing he wanted to see. Napabalikwas siya sa kama.

“Shit! What have I done?” hinilamos ni Jaime ang kamay nito sa kanyang mukha.

Tumambad sa kanyang paningin ang katawan ng kanyang bestfriend na si MM, na tanging kumot lamang ang tumatabing sa kahubaran.

Lalo pa siyang napamura nang makita ang mantsa ng dugo sa bed sheet.

Dali-dali niyang pinulot ang kanyang boxer shorts at agad itong sinuot, but careful enough not to wake the sleeping MM.

Ngunit, hindi nakiayon sa kanya ang Langit. Nakita niyang unti-unting gumagalaw ang katawan ng dalaga.

Mabilis nalumapit si Jaime kay MM. At sa paglapit, ang kumot na tumataklob sa kahubaran ng dalaga ay unti-unting bumaba.

At pigilan man ng binata, hindi alintana ang malaking epekto ng nasaksihan sa kanyang katawan.
************************************************************
“You’re early today,” MM said huskily at binigyan ng matamis na ngiti ang kaibigan - still unaware of her nakedness.

Sanay na ang dalaga sa kanyang kaibigan na basta-basta na lamang pumapasok sa kanyang kwarto. Labas-masok ang binata dito, ngunit hindi naman niya naman ito kinababahala dahil maski siya ay walang-pasintabi kung dumalaw sa kwarto nito.

“Hey… quit staring at me pare. Alam ko maganda ako, but like I said before… Hindi tayo talo,” and with those words, she got up.

Ngunit, sa kanyang pagtayo, may naramdaman siyang kakaiba. Noon lamang niya napansin ang kanyang kahubaran. Biglang pumintig ang kanyang sentido,at animo’y namanhid ang kanyang katawan.

Bumaling ang kanyang tingin sa direksyon ng binata. Pilit niyang hinahanap ang sagot sa mga mata nito. Ngunit, agad niya itong binawi.

‘Ano ba ang nangyari? May namagitan ba talaga sa aming dalawa? Paano kung oo… anong mangyayari sa akin?’ tanong niya sa kanyang sarili.

At dahil sa matinding kyuryosidad, muli niyang hinarap ang binata. And there she saw guilt, but at the same time… nakita niya ang apoy sa mga mata nito. hindi niya kailanman naisip na pinagnanasaan siya ng kanyang kaibigan.

Biglang nanlabo ang kanyang paningin at naramdaman ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Dagling lumapit si jaime upang siya’y aluin.

“Oh baby… stop, please. Don’t cry,” wika ng binata habang pilit hinuhuli ang mga luhang nag-aalpasan sa kanyang mga mata. “I promise you, I’ll take responsibility on what I have done. I’ll marry you, so hush now. Don’t cry.”

Napatulala ang dalaga sa tinuran ni Jaime. Na-touch man sa sinabi nito, pinili niyang manahimik. Naglaro sa kanyang isipan ang pangako nitong papakasalan siya.

‘Paano si Lianne?’ pipi niyang tanong. Basta na lang ba nito iiwan ang kanyang fiancee dahil lamang sa may nangyari sa kanila? Maatim ba ng konsensiya niyang may masaktan dahil lamang sa kanya?

“Umalis ka muna Jaime. I need some space and time to be alone,” habang pinipilit ayusin ang kumot na tumataklob sa kanya.

Ayaw man ng binata, minabuti na rin niyang lumabas- dala ang kanyang damit. Naisip niyang kailangan ni MM ang kaunting katahimikan upang makapag-isip.

Nang makaalis si Jaime, saka muling pinakawalan ni MM ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

*******************************************************
CHAPTER 2

5 years ago…

Payapang nakahiga ang isang dalagita sa isang duyan na yari sa yantok. Ang duyan ay nakatali sa dalawang puno ng niyog at nakaharap sa tabing-dagat.

Nakataas ang isang paa ng dalagita, habang ang isa ay nakasayad sa lupa upang maugoy ang duyan.

“Malas yata ang araw na ito,” mapaklang sabi ng dalagita.
Hapon-hapon na at kagagaling lamang niya sa eskwelahan. Hindi na ‘nga niya napalitan ang kanyang suot-suot na uniporme. Kailangan niyang kaunting katahimikan upang makapag-isip.

Napatigil ang pag-ugoy niya ng duyan ng marinig niya ang pag-ingit ng gate at nakitang isang matangkad na lalaki ang papalapit sa kanya.

“Hi baby, what are you doing here? Nana Sepa told me na narito ka raw. Masama ba ang mood natin diyan?” wika ni Jaime habang papalit sa kanya.

Limang taon pa lamang siya noong lumipat sa tabi ng bahay ng mga Antonio ang pamilya ng sampung taong gulang na si Jaime Castillo buhat sa Australia. At dahil iilan-ilan lamang ang mga kabahayang nakatirik sa lugar nila, madaling nagkalapit ang loob ng dalawang pamilya. Kung kaya’t, hindi naiwasang magkalapit at maging magkaibigan sina MM at Jaime.

Dahil sa tagal na nilang magkakilala, hindi na kaila sa binata na nagpupunta lamang si MM sa beach resort na pag-aari ng mga Antonio kung gusto nitong mag-isip o kung masama ang timpla nito.

“Wala, I just need some air, ikaw? Ano ang ginagawa mo dito, aber?” ganting tanong ng dalagita na sinabayan pa ng taas ng kilay.

“Wala lang. I’m here to pick you up. Natatakot kasi ang mga Tita Lyn na sa sobrang depress mo ay magpatilunod ka sa dagat,” paliwanag nito habang sumasandal sa puno ng niyog.

“Malaki na ako, ano! I’m already sixteen, kaya ko na ang sarili ko, pare,” pambabara niya sa binAta

“Ouch baby that hurts…”ani ng binata habang sinasapo ang kaliwang dibdib na animo’y nasasaktan, “Just because you’re sixteen doesn’t mean na pwede mo na akong ganyanin. I’m five years older than you, if you kind of forget that fact”.

Lalong nagsalubong ang kilay ng dalagita sa tinuran ni Jaime.
“At isa pa… bakit ba baby ka ng baby diyan? Hindi mo ako syota. Pareho tayo ng gusto.”

“Pati ba naman ang tawag ko sa iyo noong 5 years old ka pa ay pinag-iinitan mo? There must be something that’s bothering you,” wika ng binata, at makikita sa tono niya ang pag-aalala.

Isang irap lamang ang tinugong ng dalagita kay Jaime, at pinagpatuloy ang pag-uugoy sa duyan.

“Hey… what’s wrong? Inaway ka bas a school? Gusto mo pagtulungan na natin silang upakan?” pangungulit ng binata.

Humarap si MM sa binata, “Do you really want to know?” ganting tanong nit okay Jaime, na siyang tinunguhan ng binata na nangangahulugang ‘oo’. “Just so you know, I found out na kaya pala sinagot ni Apple ang panliligaw ko sa kanya dahil akala niya mapapalapit siya sa iyo. Imagine that pare, sinagot lang niya ako dahil sa iyo.”

At dahil sa narinig, biglang tumawa ang binata.

“Ano tinatawa mo diyan?” wika ng dalagita na magkasalubong pa rin ang kilay.

At dahil nakita ni Jaime ang pagkairita ngdalagita. He tried to suppress the laughter, in which he finds to be very difficult.

“Well baby, it only means na mas MACHO at mas GWAPO ako sa iyo. Kaya hindi mo rin sila masisisi,” pang-aalaska ng binata.

“Alam mo pare, nakapaka-HANGIN mo. If you’ll just keep on insulting me, umalis ka na ‘nga,” tumayo bigla ang dalagita at tinungo ang daan patungong tabing-dagat.

****************************************************
KARUGTONG NG FLASH-BACK

CHAPTER 3

“Baby, don’t leave me here,” sa puntong iyon, lumambing ang tinig ng binata at hinabol ang papalayong dalagita. “Sorry na, ‘wag nang pikon.”

“Tsee!!” singhal ng dalagita sa binata. Lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo papalayo dito.

At dahil sa reaksong natanggap, minabuti ni Jaime na bilisan ang paghabol kay MM. Nang malapit na ang binata sa dalagita, inabot niya ang pamuyod nito sa buhok na naging dahilan ng pagkakaalis ng tirintas ng kulot na buhok ni MM.

Napatili ang dalagita sa mga pangyayari at nawalan ng panimbang. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ni Jaime at nasambot niya agad ang dalagita bago mahulog.

Ngunit, kasabay ng kanyang mabilis na pagkakasalo kay MM ay ang pagkakawala naman niya ng panimbang. Natumba ang dalawa sa buhanginan.

Nalaglag at natumba na nakapatong si MM sa katawan ni Jaime. At dahil sa kanilang posisyon. Hindi naiwasan ng binata na hagurin at suriin ang mukha ng kanyang kaibigan.

Mula sa magandang shape ng kanyang noo, hanggang sa mapupula nitong labi. Napagmasdan niyang mabuti ang matangos na ilong ni MM.

‘Small but well-chiseled,’ aniya ng binata sa sarili.

Kahit tumataklob ang kulot na buhok ng dalagita sa mukha nito, nakuha pa rin tingan ng binata ang magagandang mata ni MM. Patrician beauty na morena ang balat, na higit na nagbigay sa dalagita ng gandang natatangi sa iba.

Hinawi ni Jaime ang mga hibla ng buhok ni MM mula sa kanyang mukha, at muling pinagmasdan ang kagandahan ng dalagita.

“Aba baby, may hitsura ka pala,” pang-aasar ni Jaime ngunit may bahid ng katotohanan.

“ Pare, kailan ka pa nagkainteres sa kalahi mo?” wika ni MM na mahihimigan ng pagkadiri. “Tandaan mo, hindi tayo talo.”

Tumayo ang dalagita at umopo sa buhanginan. Ginaya ito ni Jaime at siya ring umupo, ngunit, humarap ito kay MM.

“Maria Melissa Antonio, what I’m trying to say is maganda ka pala. Now I know the reason why Lyan and Ian had crushes on you.” Paliwanag ni Jaime.

Si Lyan at Ian ay ang mga classmate niya sa college. Matagal ng may gusto ang dalawa sa dalagita ngunit natatakot lang manligaw, dahil alam nilang sapak at tadyak ang matatanggap nila hindi lang mula kay MM, pati na rin kay Jaime.

“Aba syempre. Kung ihahambing mo naman ako sa mga dati mong girlfriend, hindi hamak na mas maganda ako doon, ‘no.” pagmamayabang ng dalagita. “Lalo na iyong LATEST ex-gf mong si Shaine, parang make up lamang ang dahilan kung bakit nagkamukha iyon,”

“Sexy naman,” depensang sagot ni Jaime.

“Sexy ba iyon? Para ‘nga iyong ting-ting sa sobrang slim,” eksaheradong komento ni MM

Napailing na lang ang binata sa tinuran ng dalaga.

“Well dahil nagmamalaki ka na ngayon. I think you wouldn’t mind, if I will tell Tita Lyn na ang kanyang ONLY-DAUGHTER-SLASH-ONLY-CHILD na laging muse simula kinder ay isa palang tomboy. At mabilis pa sa alas-kwatro kung magpalit ng girlfriends,” pang-aasar muli ni Jaime.

“Subukan mo kung gusto mong makakita ng dancing stars,” ganting tugon ni MM na may halong pag-babanta. “At higit sa lahat, mawawala ang nag-iisa mong tunay na kaibigan.”

“You’re talking like an amazon again, baby…” aliw na tugon ng binata. “Don’t worry, I won’t tell tita anything. Matitikis ba naman kita? Kung bakit naman kasi ikaw nakipagbarkada kina Keira, alam mo namang CERTIFIED tomboy ang mga iyon,” nasusuyang tugon ni Jaime.

“Alam mo pare,’wag mo silang sisihin. Hindi nila kasalanan iyon. Hindi ako pinilit na maging ganito ako. Pati, okey ‘nga lang ang relationship between girls, safe,” kibit-balikat na tugon ni MM.

“Safe? Baby, you don’t know what you’re saying,” sarkastikong wika ng binata.

At kahit hindi alam ng dalagita kung ano ang ibig sabihin ni Jaime, pinamulahan siya ng pisngi. Ngunit, bago pa man nahalata ng binata ang nangyayari kay MM, niyaya na niya itong umuwi.
*********************************************

AS USUAL... ISA NA NAMAN ITONG FLASH BACK

CHAPTER 4

“Oh pare, ‘bat na pasugod ka?” tanong ni MM kay Jaime, na nakatayo malapit sa dalagita. Lumingon ng kaunti ang dalagita, ngunit binawi rin ito.

It was her parent’s anniversary, at katulad ng nakagawian, sa beach resort ng mga Antonio ang venue ng kasiyahan.At tulad pa rin ng dati, nakaupo na naman si MM sa paborito nitong duyan sa resort.

“Bakit parang naumid dila mo? Hindi ka diyan magsalita,” pangungulit ng dalagita sa binata. Humarap ang dalagita sa binata at tinasaan ng kilay.

Tila nagbalik sa katinuan si Jaime sa mga tinuran ni MM. Naninibago lamang siya sa kanyang kaharap ngayon.

‘Is this MM?’ tanong niya sa sarili.

Malaki ang nagawa ng suot ng dalagita upang mapansin niya ito. MM’s wearing a white mini-dress, na above the knee. Dahil dtto, the young lady’s long legs were thoroughly emphasized. Bumagay sa dalagita ang damit na medyo hakad din sa katawan nito.

“Hey pare, namatanda ka ba?” tanong muli ni MM na tila nag-aalala na.

Natigil muli ang pagmumuni-muni ni Jaime at pinilit niyang magsalita.

“No, that’s not it,” iling-iling na tugon ng binata. “It’s just surprising in my part to see you in a dress. You look more girly,” muling hinagod ni Jaime ang kabuuan ng dalagita. “Nagbalik-loob ka na ba at iniwan ang pagiging tibo mo, baby?”

Biglang umismid ang mukha ng dalagita. Kitang-kita sa reaksyon na pinakita niya na hindi niya gusto ang winika ng binata.

“Pare, kailanman ay hindi ako titiwalag sa kapisanan ng mga TOMBOY,” depensa ng dalagita. Tumayo ito at humarap sa direksyon ni Jaime. “It’s really hard moving with these clothes. I promise pare, this will be the first and the last time you will see me in a dress.”

“But on the contrary, I think you should wear them more often. Mas bagay sa baby ko,” casual na sagot ng binata.

“Kung hindi lang talaga ako kinaladkad ni mommy pabalik sa kwarto para magbihis, nunka mo akong makikita sa mga ganitong damit,” paghihimutok ng dalagita. “It was mommy’s idea to use this freaking dress. Pakiramdam ko, nawawala ang pagkalalaki ko dahil sa suot ko. What will Trixie say when she see me in this state?” kita sa tono ng dalagita ang disgusto sa mga nangyayari. “Maiba ako, bakit ka nga nandito?

“Syempre, anniversary ng tito Miguel at tita Lyn. Invited ako,” tugon ng binata.

Dahil malapit ang pamilya Castillo at Antonio, lahat ng kasiyahan ng alinmang pamilya, hindi pwedeng mawala ang isa. It was a tradition they never once breached.

“At sino si Trixie?” dagdag ng binta.

“Napaaga ‘ata ang dating mo. Wala pa ngang nalalatag na pagkain, narito ka na,” nakangiting tugon ni MM kay Jaime. “At kung tinatanong mo kung sino si Trixie. She’s a transferee in my school,” paliwanag ng dalagita. “Remember? The one I’m with the other day,” pagpapaalala ni MM sa binata.

“Ah… that cute girl was Trixie?” wika ni Jaime na inaalala ang mukha ng sinasabing si Trixie. He admits na nagandahan siya sa kaklase ng kaibigan niya.

‘Ano kaya kung ligawan ko siya?’ tanong ni Jaime sa sarili habang nakangisi.

“Pare, ano ang iniisip mo?” tila nahuhulaan na ni MM kung ano ang iniisip ng binata. “Off-limits na siya pare, huwag mo na siyang pag-interesan.”

“Bakit baby?” tanong ng binata, ngunit tila nagliwanag sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng kayang kaibigan. “Don’t tell me na siya ang bagong girlfriend?”

“Eksakto pare, kaya ‘wag mo nang pag-ilusyunan ang girlfriend ko,” nakangising tugon ng dalagita. “Malas mo lang at naunahan kita pare.”

“I didn’t know na ganyan ka pala katinik sa chicks,” iling na tugon ni Jaime. “Last week lang ng pinaghihimutok mo si Apple, tapos may bago ka na ngayon?”

“Nagmana lang ako sa iyo,” depensa ng dalagita.

Natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil sa sigaw ni Nana Sepa mula sa kubo kasama ang isang babaeng kasing-edad ni MM.

“MM, nandito ang classmate mong si Trixie,” tawag ni Nana Sepa sa dalagita. “Halika na at isama mo na iyang si Jaime at kakain na daw sabi ng mommy mo.”

“Opo, halika na pare,” wika ni MM at naglakad silang dalawa papunta sa kinaroroon nina Nana Sepa at Trixie.
**************************************

CHAPTER 5

“Hi Jaime,” bati Ni Trixie sa binata. Lumipad ang mga mata ng dalagita sa kinatatayuan ni MM. “Hello ‘M, sabi mo magpunta ako, that’s why I’m here,” habang ginawadan ng matamis na ngiti ang kausap. “May dala-dala rin akong gift para kina tito at tita, you kinda told me that your parents are art-lovers.
So here, I hope they’ll like it” sabi nito habang pinakita ang malaking kahon na hawak-hawak.

“Nag-abala ka pa. Nakakahiya naman sa iyo at napabili ka ng hindi oras,” tugon ni MM sa kausap na dalagita.

“Oo nga naman, you shouldn’t bother bringing anything. You’re presence is enough,” dagdag ng binata.

“Don’t say that. It will be embarrassing on my part if I don’t bring anything,” pangontrang sagot ni Trixie.

Upang hindi na mapatagal pa ang pag-uusap, minabuti na ni MM na yayain ang mga kasama papasok.

Hindi magarbo ang pagdiriwang ng anniversary ng mga magulangni MM. isa lamang itong kaunting salo--salo na tanging malalapit na kaibigan lamang ang mga imbetado.

Pagpasok pa lamang, MM directly went to her parents with Trixie. Iniwan nilang sandali sina Nana Sepa at Jaime upang mapakilala ang dalagitang kasama.

“Mommy, daddy… I want you to meet, Trixie,” pakilala ni MM sa kasamang babae. “And she’s my… my… FRIEND (?)” pag-aalangang sagot ng dalagita.

“Hi po tita, hello po tita. Trixie de le Merced po, classmate ni MM,” wika ni Trixie habang nakangiting nagpapakilala. “And here’s a present for the two of you. I hope you will like it.”

Magiliw na tinanggap ng mga magulang ng dalagita si Trixie. Nagalak sila na makitang may kaibigan din palang babae ang kanilang dalagita. Kahit papaano’y nabawasan ang pag-aalala nila dito.

Matapos ng pagpapakilala, nagsimula na ang kasiyahan. Kaunti ang mga bisita, ngunit bakas sa mukha ng lahat na nag-e-enjoy ang mga ito.
Matapos ang party, umalis kaagad si Trixie. Nagpaalam ito na may darating na bisita ang kanyang mga magulang ngayong gabi. Hindi naman siya pinigilan ni MM.

Ginhawa’t tapos na din ang kasiyahan, naisipan ng dalagita na maglakad-lakad sa tabing-dagat.

Ilang minuto na ang makalipas ng maramdaman niya ang hapo sa paglalakad, at pinasyang bumalik. At sa pagbalik, napansin niyang nakaupo ang isang binata sa mga mabatong bahagi ng tabing-dagat.

Agad niyang namukhaan ang binatang nakaupo at nilapitan.

“Pare, ‘bat hindi ka pa nauwi?” tanong ng dalagita habang papalapit sa nakaupong binata.

“I still don’t want to go home,” prenteng sagot ni Jaime. “How did the meet-the-parents scene go?”

“Well, dahil ayokong itakwil ako ng aking mga magulang… napag-isipan kong itago ko muna ang tunay kong katauhan.”

“So… you introduced Trixie as a friend?” tanong ng binata kay MM, na ngayong ay nakaupo na ring katulad niya.

“Kind of… but I think she understands naman,” tanging pahayag ng dalagita.

“’Bat ba ito ang pinag-uusapan natin?” tanong ng binata kay MM.

“Aba, ikaw ang nagbukas ng topic diyan. Kaya ‘ wag mo akong tanungin,” singhal na sagot ng dalagita.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Walang sinuman ang gustong magsalita. Hindi dahil sa ayaw nila, kundi hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila sa isa’t isa.

Piniling basagin ni MM ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

“Pare, gusto ni Trixie na mag-date kami,” pahayag ni MM na tila problemado.

****************************

CHAPTER 6

Biglang tumawa si Jaime sa mga tinuran ng kaibigan.

“W-wait…why are laughing. Your dear friend is facing a big problem, tapos tinatawanan mo lang?” asar na pahayag ng dalagita, habang namumula sa sobrang inis.

Pinilit ni Jaime na patigilin ang sarili sa pagtawa. Iling-iling niyang tiningnan ang kaibigan.

“Baby…kung pang-date lang problema mo, ‘wag ka nang mahiyang mangutang sa akin,” wika ni Jaime habang inabot ang pitaka nitong nakasuksok sa kanyang pantaloon. Kinakalikot ang pitaka at tila nagbibilang ng perang iaabot sa dalagita. “Is P500 enough?”

Namilog ang mata ng dalagita. Tiningnan ng masama ang binata at namula sa sobrang inis.

“Ano tingin mo sa akin? PULUBI?” singhal na sagot ni MM. “Hindi iyon ang problema ko.”

“Eh ano?” naging seryoso ang tono ng pagsasalita ng binata. “Parang malaking problema talaga ang gumugulo sa isipan ng baby ko.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni MM.

“Ang hirap kayang maghanap ng pagde-date-an,” palatak na wika ng dalagita.

“Ang hina naman ng baby ko,” pang-aasar muli ng binata. “Dito pa lang, pwede na,” pag-uudyok ng binata sa dalagita.

“You still don’t get it, do you?”

“I don’t kinda understand what you’re trying to say,” wika ni Jaime habang naka-kunot ang noo. “Elaborate. Please.”

“Pare, the thing is, ‘san…” dramatikong putol ni MM sa sinasabi. “Saang lugar kami magde-date? Ang lugar na walang makakakilala sa akin. A place where people don’t recognize me as Maria Melissa Antonio. Kung saan walang kakilala sina mommy at daddy,” bulalas na paghihimutok ng dalagita.

“Hmm… A place where no one recognizes you?” ulit ng binata habang iniisip ang tamang solusyon sa problema. Ngunit sa kasamaang palad, wala ni isang lugar ang pumasok sa isip niya.

“So now you know…” wika ng dalagita. “I can’t believe being a Tomboy will be this troublesome.”

“Well… kung hirap ka na, then I guess, you need immediate transformation,” prenteng wika ng binata. “God is giving you signs, He wants you to face the truth and bring your feminine side back. That’s the only solution, baby.”

“Alam mo pare, hindi kapaki-pakinabang ang iyong sinabi,” ismid na sagot ng dalagita. “And don’t try to lecture me about God. Hindi bagay sa iyo. Tandaan mo, ni minsan… hindi ako pumalya sumimba tuwing Linggo at simbang-gabi. Ako dapat ang nagle-lecture sa iyo tungkol diyan. Bilang na bilang lang sa kamay ang beses na pagsisimba mo.

“That’s not true,” pangontrang wika ni Jaime. “It just so happens, that I’m busy with things. That’s the reason why I can’t attend regularly. I need to study; this will be my last year. I have grades to maintain.”

Alam ito ng Dalagita. Fourth-year Commerce student si Jaime sa unibersidad sa bayan. Malaki ang expectation sa kanya, hindi lamang ng kanyang magulang, pati narin ng mga propesor nito. Running-for Magna cum laude kasi ang binata. Kung kaya’t hindi ito maaaring magpabaya sa huling taon nito. Ngunit, kahit ganoon ang sitwasyon ng kaibigan, hindi pa rin ito nawawalan ng oras para kay MM. Hindi matatapos ang araw ng hindi ito nangungumusta. Minsan nga, nagseselos sa kanya ang mga GIRLFRIENDS nito, dahil mas pinipili ni Jaime na siya ang kasama sa oras na libre ito.

“Yeah… I know,” mabilis na sagot ni MM. “Lagi mo kayang pinagmamalaki sa akin scholastic records mo,” kahit may tono ng pang-aasar, hindi mawawala sa mga himig ng salita ng daligata, na tuwang-tuwa ito para sa kaibigan. “Teka, ‘bat sa iyo napunta ang usapan… ako ang may problema. Iyon ang pag-usapan natin.”

“I don’t know…” kibit-balikat na sagot ni Jaime. “Okay, back to your problem. What will be the best solution?”

Tila isang malaking bumbilya ang umilaw sa ulo ng dalagita. She leaned towards Jaime and look at him intently. Slowly, her lips formed a smile, which revealed the dimple on her left-cheek.

‘Will he agree?’ tanong ni MM sa sarili.